BANDILA: Isang Simbolo, Isang Impluwensya
Pilipinas – isang lupain ng sari-saring tradisyon. May nagsasabing walang kaisahan, walang sariling identidad. Ngunit, hindi ba’t ang pagkakaroon ng mraming kultura at tradisyon ang mas pumapaibabaw sa ating identidad?
Bandila – simbolo ng Pilipinas. May mga kulay na bughaw, puti, pula, at dilaw. Bawat kulay ay kumakatawan sa mga katangian ng bawat Pilipino bilang indibidwal, at bilang isang bayan.
Bandila – isang maliit na piraso ng tela na hinabi ng panahon. Maliit ngunit napakalaki ng ipinapakita at naopakalakas ng isinisigaw—PILIPINAS!
Sa ngayon, puro krisis ang “bumabandila” sa ating bansa. Sa bawat panig at sulok ay makakakita ng iba’t ibang krimen, kaso, alitan sa gobyerno, at maraming pang iba. Ang mga ito ay napapabatid sa publiko sa pamamagitan ng media sa anyo ng radyo, dyaryo, telebisyon, at marami pang iba. Ang mga pangyayaring ito marahil ang nagtutulak sa pamunuuan ng iba’t ibang anyo ng media upang mapagyabong ang kani-kanilang paraan ng pagpapahayag ng balita. Ang mga balitang ito ay maituturing na kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga tao. Ang pagkalap ng impormasyon hinggil sa isang bagay ay siyang maituturing sa mahalaga para sa iba.
Noong ika-3 ng Hulyo sa taong kasalukuyan, naglabas ang ABS-CBN ng panibagong palabas sa ilalim ng News and Current Affairs, ang BANDILA. Ito ay dinadala ng tatlong maituturing na haligi ng nasabing estasyon sa larangan ng pagbabalita – sian Korina Sancez, Henry Omaga Diaz, at Ces Orena Drilon.
Kapuna puna ang mga pinatingkad na mga kulay ng bandila ng Pilipinas sa kanilang pagbubukas ng programa. Sinamahan pa ito ng animation ng bandila na sumasabay sa ritmo ng mabigat na musika. Para sa akin, ito ay isang magandang stratehiya upang makuha ang atensyon ng mga manonood. Ang matitingkad na kulay ay tila sumisimbolo sa katatagan ng mga Pilipino. Kahit pa ilang problema ang dumaan, nagagawa pa din ng mga Pilipino na maging angat.
Ang programang ito ay malaki ang ipinagkaiba sa pinalitan nitong programa – ang Insider. Ang Insider noon ay basta inuulit ang mga naibalita na sa TV Patrol noong hapon ng araw na iyon. Magkaroon man ng pagbabago ay bahagya lamang at kung mayroon lamang na dagdag na detalye sa isang istorya. Pormal din ang pagkakapresenta ng Insider ng mga balita at tanging sa huli lamang nagkakaroon ng “impormal” na interaksyon sa pagitan ng daawang tagapagbalita.
Samantala sa BANDILA, tila ang nilalayon nilang ipakita ay ang pagsubaybay sa isang isyu ng 24 oras. Mayroon silang inuulit na mga balita ngunit nagbibigay sila ng updates hinggil sa mga isyung ito. Ipinapakita din ng programang ito ang pagtutok sa isang istorya kada-reporter. Ito ay pinagtitibay ng aktwal na pagsubaybay at pagrereport ng tatlo nitong news anchors. Ito ay nagpapakita ng mabigat na kredibilidad ng programa.
Sa kabilang banda, aking napuna ang pagtatangka ng BANDILA sa magkaroon ng “impormal” na pagpapahayg ng balita at interaksyon ng bawat host nito sa isa’t isa. Hindi nila ito matagumpay na nagampanan. Hindi nagging epektibo ang pamamaraan na ito ng pagpapahayg ng balita.
Ngunit sa kabuuan, masasabi kong epektibo ang buong palabas at nagagampanan ang mahusay na paghahayag ng mga impormasyon. Mahalaga ang hindi basta basta pag-uulit ng balita dahil bawat detalyeng nadadagdag ay maaaring magpalinaw ng isang isyu.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home