penprowess

This blog will speak of the different faces of Journalism. There will be commentaries on issues concerning public interest such as the latest news on local and nat'l politics and criticisms on how they are delivered to the public. There will also be feature posts on Baguio-based reporters to help "on-line goers" especially those from Baguio City, be familiarized with them. As much as possible, local issues will be given weight to in this blog.

11 September 2006

USOK....


Baguio City --- isang tourist spot. Isa sa mga ipinagmamalaking lugar sa Pilipinas. Magagandang tanawin, malamig na klima. Dinudumog ito ng mga tao hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin ng mga nagmula sa iba't ibang bansa. Tila ito isang larawan sa kwadra na tinitingala ng nakararami.


Ngunit sa pagdaan ng panahon, unti-unti itong nililisan ng kanyang ganda. Ang dati'y sariwang hangi'y ngayo'y nagiging hindi kaaya-aya. Halos kaunti na lamang ang pinagkaiba nito sa Maynila.


Kulay itim na ang bumabalot sa mga kalsada nito. Ang mga sasakyang bumabagtas sa mga kalye dito'y walang awang nagbubuga ng maitim na usok na maaaring magdulot ng kapahamakan sa bawat nagdadaan dito.


Ang mga tao ang mas lalong kaawa-awa. Maraming sakit ang maaring idulot ng polusyon ito. Hindi na nagagarantiyahan ang kalusugan ng mga ito.



Lalo na ang kabataan... Sila na walang muwang ay nalalagay sa peligro dahil sa mga halimaw na nagbubuga ng usok. Sila ang mga batang sana'y malayang nakakapaglakad habang masayang natatanaw ang kagandahan ng lungsod.




Katulong ng Pamunuang Panglunsod ng Baguio, nagsasawa ang Bantay Kalikasan Task Force ng pagdidisiplina sa mga motorista na nagpapalala ng sitwasyon ng polusyon sa lungsod. Layunin ng grupo na maibalik ang dating simoy ng hangin at dating ganda ng tanawin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home